Hindi binigo ng Boston Celtics ang kanilang home crowd fans nang masungkit ang Larry O’Brien Championship Trophy, makaraang talunin ang karibal na Dallas Mavericks.
Ito ang panibagong kampeonato nila mula noong 2008.
Sa umpisa pa lang ay naging agresibo na ang Celtics nang makapagpasok ng 28, laban sa 18 lamang ng Mavs.
Sa second quarter, todo hataw pa rin ang Boston na may 39 points, habang naiwan sa 28 ang Dallas.
Bumagal ang ang shooting nila sa second half, pero lamang pa rin sa puntos.
Ramdam naman sa crowd ang suporta sa kada pasok ng tira ng Celtics, lalo’t sa TD Garden sa Boston ginanap ang Game 5 ng NBA Finals.
Nagtapos ang laro sa score na 88-106, pabor sa Boston Celtics.
Dinala ni Boston power forward Jayson Tatum ang laban gamit ang kanyang 31 pts, 11 sts, at 8 rebs habang 21 points, 8 rebs, at 6 assts naman ang naging kontribusyon ni Jaylen Brown.
Ang Boston Big 2 ay ang gumawa ng magagandang play sa naturang laban upang magkaroon ng malaking lead kahit sa maagang bahagi pa lamang ng laban.
Bigtime double double din ang ipinakita ni Jrue Holiday, 15pts, 11 rebs, habang ang 40 anyos na si Al Horford ay gumawa ng 9 pts 9 rebs.
Halos bumubuhos ang puntos mula sa mga Boston players sa kabuuan ng game, sa kabila ng magandang depensa rin na ipinapakita ng Dallas.
Sa panig ng Mavs, hindi naisalba ni Luka Doncic ang kanyang koponan kahit pa gumawa ito ng 28 poits at 12 rebs.
Hindi rin nakaya ni Kyrie Irving na ipasok ang marami sa kaniyang tira at nalimitahan lamang ito ng 15 points at ang disenteng 9 assts.
Naging malamya ang opensa ng iba pang Dallas starter sa kabuuan ng game, kung saan 6 points lamang ang nakayang ipasok ng sentro na si Daniel Haford. Habang 4 pts lamang ang kontribusyon ni PJ Washington.
Sa halip ay ang bench na si Josh Green ang nagpakita ng 14 points sa loob lamang ng 22 mins na paglalaro.
Samantala, tinanghal naman bilang finals MVP si Jaylen Brown sa naging panalo series win ng Boston.
Ito na ang ika-18 na championship ng koponan kung saan ang kanilang huling panalo ay noong 2008 sa pamamagitan nina Rey Allen, Paul Pierce, at Kevin Garnet.
Hindi rin magkamayaw ang crowd sa Game 5, matapos muling maiuwi ng Boston ang kampeonato, 16 years matapos nang huli nilang mapasakamay ang panalo.