Isinama na rin ng Boston Celtics sa kanilang biktima ang Orlando Magic para itala ang kanilang ika-17 panalo sa iskor na 118-103.
Bumangon ang Celtics mula sa pagkatalo nila nang masilat ng Miami Heat nitong nakalipas na mga araw.
Balik na rin sa paglalaro si Kyrie Irving, na merong mask sa mukha bunsod ng broken bone na natamo noong November 10.
Pinangunahan ni Irving ang matinding opensa ng Boston para itala ang kanyang kabuuang 30 points, kung saan sa first half pa lamang ay nagbuslo na siya ng 17.
Sa tindi ng init sa shooting ng Celtics sa halftime pa lamang ay meron na silang 73 points na maituturing na season high sa NBA.
Tumulong din si Aron Baynes na may 13 points at 11 rebounds sa kanyang unang double-double sa Celtics. Habang si Terry Rozier ay may career-high na 23 points.
Sa panig ng Magic, kanilang nalasap ang ika-pitong sunod-sunod na pagkatalo.