-- Advertisements --

Nakabawi rin ng panalo ang Boston Celtics matapos masilat ang Cleveland Cavaliers, 98-91.

Nagawang makaganti ng Boston matapos na talunin sila sa unang paghaharap para iposte ang kanilang ika-pitong panalo.

Nanguna sa diskarte ng Celtics si Jayson Tatum na may 23 points at walong rebounds.

Malaking tulong din ang nagawa nina Al Horford na nagtapos sa 17 points at nine rebounds at sina Dennis Schroder at Marcus Smart na kapwa may ambag na tig-14 points.

Ang Cavs naman ay natigil sa siyam na panalo makaraang malasap ang ikaanim na talo.

Bagamat bigo, angat sa performance sina Ricky Rubio na may 28 points at si Cedi Osman na nagbuhos ng 26 points.