Nalusutan ng Boston Celtics ang 40-points ni Giannis Antetokounmpo upang iposte ang ika-21 panalo laban sa Milwaukee Bucks, 111-100.
Kinailangang magdoble kayod sina Kyrie Irving na may 32 points at Al Horford na nagtala ng 20 points, nine rebounds at eight assists upang gumanda pa ang kanilang record na limang panalo sa huli nilang anim na laro.
Ipinagmalaki naman ni Horford na lalo pang gumaganda ang kanilang teamwork at maging siya ay nakikita na ang bunga ng kanilang maayos na diskarte.
Samantala umabot pa sa 20 points ang kalamangan ng Boston sa third quarter pero bumawi naman ang Bucks ng halos mag-isang binitbit ni Antetokounmpo.
Ito na ang ika-tatlong game ngayong season na umiskor si Antetokounmpo ng 40 points.
Pero sa huli nanaig pa rin ang 50 percent efficiency ng Celtics pagdating sa shooting.
Sa next game sa Huwebes sunod na makikipagtuos ang Boston sa kanila pa ring teritoryo kontra sa Dallas.