-- Advertisements --

Nakuha ng Boston Celtics ang 1-0 na kalamangan sa first round ng NBA Playoffs.

Ito ay matapos na talunin nila ang Orlando Magic 103-86.

Sa simula ay hawak ng Number 7 seed na Magic subalit pagpasok ng last quarter ay nakahabol ang Number 2 seed na Celtics.

Nanguna sa Boston si Derrick White na nagtala ng 30 points kung saan nagkaroon ng 15 na turned over ang Orlando.

Nasayang naman ang nagawang 36 points ni Paolo Banchero para sa Magic.