-- Advertisements --

Pasok na sa Eastern Conference Semifinals ang Boston Celtics matapos ma-sweep nila 4-0 ang Philadelphia 76ers 110-106.

Bumida sa panalo si Kemba Walker na nagtala ng 32 points habang mayroong 28 points at 15 rebounds si Jayson Tatum.

Hindi binitawan ng Sixers ng makahabol sa serye kung saan nag-tabla pa ito sa 77 sa third quarter.

Hanggang umarangkada ang Celtics sa pamamagitan ni Tatum na nagtala sila ng 89-77 sa pagpasok ng fourth quarter.

Nasayang naman ang ginawang 30 points ni Joel Embiid habang mayroong 20 points si Tobias Harris para sa Sixers.

Susunod na makakaharap ng Boston ang sinumang manalo sa pagitan ng Toronto Raptors at Brooklyn Nets kung saan lamang ang Raptors 3-0 sa best of seven first round playoffs.