Nananatiling lamang sa mga iba’t-ibang betting odds sa US ang Boston Celtics kontra sa Dallas Mavericks sa pagsisimula ng NBA Finals.
Itinuturing kasi na ang Celtics ang may most efficient regular-season offense sa kasaysayan ng NBA.
Mayroong 122.2 points per 100 possesion o 7.7 na mas mahigit sa average sa liga.
Tanging apat sa 27 mga koponan na may magandang offensive efficiency sa regular season ang nagwagi ng championship.
Una ay ang Chicago Bulls noong 1996-97, Los Angeles Lakers noong 2000-01, Miami Heat noong 2012-13 at Golden State Warriors noong 2016-17.
Ilan sa mga itinuturing pambato ng opensa ng Celtics ay sina Jayson Tatum at Jaylen Brown kung saan pinatunayan ito sa Game 2 conference finals kontra Indiana Pacers.
Isa sa mga maaaring itarget ngayon ng Celtics ay sina Luka Doncic at Kyrie Irving kung saan nakita sa Western Conference Finals na hinayaan ni Minnesota Timberwolves star Anthony Edwards ang dalawa.
Magugunitang target ng Boston na makuha ang 18th championship title habang ang Dallas ay nais na ulitin muli ang kanilang kampeonato na nakuha noong 2011.