Pipilitin ng Boston Celtics na madala hanggang Game 7 ang Eastern Conference finals nila ng Miami Heat.
Kasunod ito ng naging tagumpay nila nitong Sabado 121-108 para mailapit sa 3-2 ang serye kung saan isang panalo na lamang ang kailangan ng Heat para makaharap ang Los Angeles Lakers sa Finals.
Ayon kay Celtics star Jayson Tatum na para silang nakikipagsugal ng kanilang buhay kaya dapat ay galingang nila ang kanilang laro.
Humanga naman si Heat coach Erik Spoelstra sa ipinamalas na laro ng Celtics noong Game 5 kaya asahan nila na mas magiging agresibo ang mga ito sa Game 6.
Magugunitang tinapatan ng Celtics ang ginawang 51 points na kumbinasyon nina Goran Dragic at Joe Crowder sa pamamagitan ng 67 points combine mula kay Jaylen Brown, Kemba Walker at Marcus Smart.