![](http://www.bomboradyo.com/wp-content/uploads/Warriors-Klay-Thompson-.jpg)
CHICAGO – Sinamantala ng Chicago Bulls ang kawalan ng presensiya ni Kevin Durant upang ma-upset ang Golden State Warriors sa score na 94-87.
Ito ang unang pagkakataon na hindi nakalaro si Durant dahil sa leg injury.
Nanguna naman sa panalo ng Bulls si Jimmy Butler na may 22 points.
Sa panig ng Warriors si Stephen Curry ay nagtala ng 23 points, habang si Klay Thompson ay nagtapos lamang sa 13 points.
Ang tinaguriang Splash Brothers ay muli na namang inalat sa 3-point areas.
Ang dalawa ay meron lamang tatlong naipasok mula sa 22 attempts na 3-pointers.
Na-outscore din ng Bulls ang Warriors sa 10-2 sa huling tatlong minuto ng laro.
Ito ang kauna-unahang back-to-back losses ng Golden State (50-11) mula Abril 2015.
Kamakalawa lamang ay natalo rin ang Warriors sa Wizards kung saan doon natamo ni Durant ang injury.
Si Bobby Portis ay bumida rin sa 17 points at season-high na 13 rebounds para ibulsa ng Chicago (31-30) ang ikalimang panalo sa huling anim na laro nila.