-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Boston Celtics na hindi makakapaglaro ng hanggang apat na linggo si Gordon Hayward.

Ito ay matapos na ma-diagnosed siya ng Grade 3 sprain sa kaniyang right ankle.

Natamo nito ang injury sa Game 1 ng Eastern Conference first round series laban sa Philadelphia 76ers ng maapakan ang paa ng kasamahang si Daniel Theis.

Bagamat nailabas ito sa court ng last quarter ay nakuha pa rin ng koponan ang panalo 109-101.

Dahil sa injury ay posibleng hindi ito makapaglaro sa first round series ng Sixers.

Mayroon average na 17.5 points, 6.7 rebounds at 4.1 assists kada laro si Hayward.