-- Advertisements --

Pinatawan ng $25,000 na multa si Boston Celtics star Jaylen Brown matapos ang ginawang pagkumpas nitong paghiwa sa kaniyang leeg.

Naganap ang insidente ng mag-dunk ito sa harap ni Detroit Pistons forward Isaiah Stewart.

Matapos ang tila poster-dunk nito kay Stewart ay isinagawa niya ang “throat-slashing” gesture na hindi naman ikinatuwa ng NBA.

Hindi na ikinabigla ni Brown ang pagmulta sa kaniya dahil sa alam niya ang maaring kahinatnan ng kaniyang ginawa.
Si Brown ay pumirma ng limang taon na kontrata sa Celtics na nagkakahalaga ng $304 milyon.