-- Advertisements --

Tinambakan ng Boston Celtics 120-95 ang Cleveland Cavaliers para makuha ang 1-0 na kalamangan sa best-of-seven na NBA Playoff semifinals.

Sa umpisa lamang ng laro ay dominado na ng No.1 seeds na Boston laban sa fourth seeded na Cavs sa Eastern Conference.

Bumida sa panalo ng Celtics si Jaylen Brown na nagtala ng 32 points, anim na rebounds at dalawang assists habang mayroong 25 points si Derrick White.

Nagdagdag naman ng 18 points si Jayson Tatum para tuluyang talunin ng Boston ang Cavs.

Nasayang naman ang nagawang 33 points ni Donovan Mitchell at 17 points ni Evan Mobley at 14 points kay Darius Garland ng Cavs.