Tinambakan ng Boston Celtics ang Toronto Raptors, 122-100.
Umabot pa sa 40 points ang kalamangan ng Boston at hindi na pinaporma pa ang reigning champions.
Nanguna sa ratsada ng Boston sina Jaylen Brown na may 20 points, Jayson Tatum na nagdagdag ng 18 at si Kemba Walker ay tumulong sa kanyang 17 points.
Dahil dito nanganganib na mahabol ng Boston ang Raptors sa No. 2 spot sa Eastern Conference.
Aminado naman si Celtics coach Brad Stevens na hindi malayong ang Raptors din ang kanilang makaharap pagsapit sa Eastern Conference semifinals.
“I think the biggest thing was that we were ready to play… We have to be locked in, we have to be dialed in, and we have to be good defensively,” ani Stevens.
Kaya naman sakaling mangyari ito, inaasahan niyang walang saysay ang kanilang blowout win nitong araw sa karibal na team dahil tiyak na babawi ang Raptors.
Sinasabing inalat lamang at kinapos ang tropa ng Toronto kung saan si Fred VanVleet ay meron lamang 13 points, sina Kyle Lowry at Pascal Siakam ay nagtapos sa tig-11 puntos.
Ang Celtics ay meron na lamang final three games bago ang playoffs at ito ay laban sa Orlando, Memphis at Washington.
Para naman sa Raptors isa na lamang na panalo ang kanilang kailangan sa huli nilang four games para muling maabot ang ikalimang sunod na 50-win season.