Tinuldukan ng Boston Celtics ang kanilang apat na sunod-sunod na pagkatalo matapos nilang biguin ang Cleveland Cavaliers, 116-106.
Kapwa umiskor ng 21 points sina Jayson Tatum at Marcus Smart upang makawala ang Celtics sa pagkakatabla sa fourth quarter.
Sumandal sa dalawa ang Boston dahil sa pagliban ng kanilang star player na si Kyrie Irving na pansamantala munang nagpahinga.
Bagama’t sinayang ng Boston ang hawak nilang 12-point lead, nagawa nilang makabawi matapos maitabla ng Cleveland ang iskor sa pagsisimula ng huling yugto.
Tinapos ng Celtics ang laro sa pamamagitan ng 24-14 harurot, tampok ang three-point plays nina Smart at Marcus Morris upang malakayo.
Nanguna naman sa Cavs si Collin Sexton na may 24 points, na inalalayan ni Fil-Am guard Jordan Clarkson ng 18 points.