-- Advertisements --

Nangangailangan na lamang ng isang panalo ang Boston Celtics upang makausad na sa Eastern Conference Finals.

Ito’y matapos na ibaon nila ang defending champion na Toronto Raptors sa Game 5 ng kanilang semifinal series, 111-89.

Namayani sa Boston si Jaylen Brown na tumabo ng 27 points, na dinagdagan ni Kemba Walker ng 21 points.

Namuhunan ang Celtics sa matinding depensa para limitahan at hindi papormahin ang Toronto sa buong laban.

Umiskor naman ng 18 points si Fred VanVleet para pangunahan ang Raptors.

Nagtala ng 16 points si Norman Powell para sa Toronto, habang sina Pascal Siakam at Kyle Lowry ay nalimitahan lamang sa tig-10 puntos.