SYDNEY, Australia – Agaw pansil ang ilang dyaryo sa Australia, matapos nilang lagyan ng censor marks ang kanilang banner page na inilathala.
Bahagi umano ito ng protesta ng mga kompaniya ng newspaper, dahil sa “culture of secrecy” na ipinatutupad sa kanilang lugar.
Matatandaang noong buwan ng Hunyo, ni-raid ng mga otoridad ang Australian Broadcasting Corporation (ABC) at ang bahay ng isang News Corp Australia journalist.
Ang usapin ay nag-ugat sa artikulong ibinase sa testimonya ng ilang whistleblower, kaugnay ng war crimes at umano’y pang-e-espiya sa ilang Australian citizens.
Sinuportahan naman ng iba’t-ibang TV, radyo at online outlets ang kampanya ng Right to Know Coalition.
Nanindigan naman ang gobyerno na inirerespeto nila ang press freedom ngunit kailangan daw ipatupad ang batas na umiiral sa kanilang bansa. (BBC)