Nagsagawa nang “appreication visit” si Central Command chief Lt. Gen. Roberto Ancan sa Philippine Navy BRP Ramon Alcaraz (PS16) , matapos magsagawa nang port visit ang navy vessel sa Malacanang sa Sugbo Wharf na nasa Antonio Pigafetta St., Pier 1, Cebu City noong February 12, 2021.
Sa karagatan ng Cebu at eastern Visayas nagtapos kasi ng patrol missions ang warship.
Ang pagbisita ni Ancan ay bilang pagkilala at pagpapahalaga sa capability ng barko ng Philippine Navy lalo na sa pagbibigay seguridad nito sa territorial waters sa loob ng CENTCOM Joint Area of Operation sa Regions 6,7 at 8.
Sinabi ni Ancan na ang nasabing offshore vessel ay equipped ng mga advanced weaponry na sapat para protektahan ang territorial waters ng bansa.
“The presence of the patrol ship BRP Ramon Alcaraz (PS16) and its conduct of maritime patrol strengthens our position against foreign and internal threats in the Visayas region,” wika ni Ancan.
Binigyang-diin naman ni Ancan, bilang peacemaker sa Visayas region, ang nasabing naval asset ay nagpapahiwatig ng kahandaan ng militar sa kanilang misyon partikular sa pagpapanatili ng peace and continous development sa buong rehiyon.
Ang warship ay isang high-endurance cutter na dating naka-commission sa United States Coast Guard Cutter Dallas, na ini-acquire ng Pilipinas sa pamamagitan ng excess defense article transfer program at na commissioned sa serbisyo noong Nov. 22, 2013.