VIGAN CITY – Pinawi ng Italian government ang pangamba ng ilang Pilipino sa Italy na nawalan ng trabaho dahil sa lumalalang kaso ng coronavirus disease 2019 sa nasabing bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Center for Employment and Service for Nationals – migrant consultant Analisa Bueno, sinabi nito na nakahanda umanong magbigay ang kanilang tanggapan ng legal help sa mga Pinoy na nais magreklamo dahil sa pagkakatanggal o hindi pagpapasuweldo sa kanila ng kanilang mga boss dahil sa COVID outbreak.
Iginiit nito na hindi umano maaaring tanggalan ng benepisyo ang mga manggagawang Pinoy sa Italy dahil sa nasabing sakit sapagkat hindi naman umano nila ginusto na lumala ang sitwasyon.
Aminado si Bueno na maraming mga Pinoy workers sa Italy ang apektado ng nasabing outbreak ngunit sa ngayon ay wala pa silang eksaktong bilang ng mga Pinoy na natanggal o nawalan ng trabaho dahil sa nasabing sakit.