-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Masayang ibinalita ni Kabacan Cotabato Mayor Herlo Guzman Jr na ikinakabit na ang matagal na hinihintay na ilaw sa center lane ng bayan.

Ang tinutukoy na center lane ay matatagpuan sa bahagi ng Brgy. Osias na kung saan umani ito ng mga puna matapos may iilang mga byahero ang nadidisgrasya rito.

Dagdag ng alkalde, humihingi ito ng paumanhin sa pagkaantala ng proyekto.

Binanggit din nito na pinagplanuhan ito ng masusi kung kaya’t naantala ito.

Mula sa EDF ng bayan ang pinambili ng mga ilaw rito.

Kaugnay nito, siniguro ng alkalde na kanilang isasaayos din ang iba pang ilaw sa center lane.