Pansamantalang ititigil muna ang centralized cooling system ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa mga piling oras sa darating na July 16 hanggang July 17 dahil sa 12-hour system upgrade.
Ayon kay MIAA General Manager Eric Jose, ang naturang upgrade ay para mas palakasin pa ang kakayahan ng terminal na panatilihin ang ideal temperatures.
Sa advisory ng Manila International Airport Authority (MIAA), ititigil ang cooling system sa oras na 9 p.m. hanggang 9 a.m. sa mga nabanggit na araw.
Batay sa advisory, tinatayang nasa 27,000 na arriving at departing na pasahero sa 117 flights ang maaaring makaranas ng discomfort dahil sa mas mahinang air circulation sa loob ng 12-hour interruption.
Tiniyak naman ng MIAA na naka high alert ang kanilang medical team at handang rumesponde sa anu mang medical emergency.