ROXAS CITY – Sinampahan na ng kasong syndicated estafa ang CEO ng 25 days double your money investment scheme kabilang ang apat na iba pa matapos mahuli sa entrapment operation ng mga kasapi ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Barangay Taal, Molo, Iloilo City.
Nasa kostodiya na ng NBI sa Iloilo ang CEO ng 25 days double your money investment scheme na si Junelyn Obamos Gregorio residente ng Sapian, Capiz; Arnel Baran Gimoto ng Barangay Dayao, Roxas City; Jessie Malicse Barriatos ng Barangay Cabugao Este, Panay; Pio Decretales Castellanes ng Barangay Gebio-an, Tapaz at Grace Gildore Inchon ng Washington St., Barangay VII, Roxas City.
Isinagawa ang operasyon sa opisina mismo ni Gregorio kung saan patuloy itong tumatanggap ng mga pay-in mula sa mga investors.
Maraming mga investors ang dumulog na sa himpilan ng NBI para i-reklamo si Gregorio.
Maliban sa Capiz ay may mga investors rin na galing sa Iloilo at Aklan.
Samantala nanindigan naman si Gregorio na wala sa kanya ang investment money ng mga investors.