-- Advertisements --

Haharap ngayong araw sa mga investors si Boeing Co Chief Executive Dennis Muilenburg matapos ang malawakang pagsuspinde ng mga airline companies sa Boeing 737 MAX 8.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na haharap ito sa mga investors matapos ang trahedyang kinasangkutan ng dalawang Boeing 737 MAX 8.

Ayon kay Muilenberg, ito na umano ang pinaka-malaking dagok na kanyang pinagdaanan sa kanyang karera dahil susubukan niya raw na buuin muli ang kumpyansa ng mga investors sa kinabukasan ng bagong system na ilalagay ng mga ito sa nasabing eroplano.

Magsasagawa naman ng protesta ang pamilya at mga kaibigan ng 24-anyos na si Samya Stumo, isa sa mga pasaherong nasawi sa pagbagsak ng eroplano, bilang pagkondena sa kung ano man ang kalalabas ng pagpupulong.