-- Advertisements --

ROXAS CITY – Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI)-Region 6 na nahuli sa isinagawang entrapment operation ang isa sa itinuturing na nasa likod ng 25-Days Double your Money Investment Scheme sa Roxas City, Capiz.

Ayon kay Atty. Jeremiah Sargado, assistant regional director ng NBI-6, nasa kustodiya na ngayon ng regional office ng NBI sa Iloilo si Acquiles Grecia, habang at-large sina Junelyn Gregorio, CEO ng investment scheme, at Arnel Gimoto na palaging kasama sa mga transaksyon ni Gregorio.

Kasama ni Grecia na sinampahan ng kasong estafa sina Gregorio at Gimoto na palaging kasama sa mga transaksyon ng nasabing CEO.

Sinabi pa ni Sargado, naisakatuparan ang operasyon matapos dumulog sa kanilang tanggapan ang isang complainant.