Arestado ang billionaire founder at CEO ng sikat na messaging app na telegram na si Pavel Durov, sa Bourget airport, Paris kagabi.
Ibinaba ng France ang arrest warrant kay Durov matapos magsagawa ng preliminary investigation ang naturang bansa kaugnay sa diumano’y multiple scams at pagkakasangkot nito sa pagpapakalat ng maling impormasyon simula noong inatake ng Russia ang Ukraine.
Sa report mula sa isang French commercial television network, ang app ni Durov ang umano’y pangunahing komunikasyon ng Ukrainian President na si Volodymyr Zelensky at kanyang mga opisyal, ito rin daw ang ginagamit ng Russia upang magpakalat ng mga ulat tungkol sa gyera kaya’t nanatili ang naturang app bilang pangunahing messaging app ng mga mamamayan ng Russia ukol sa nagpapatuloy na gyera sa pagitan ng dalawang naturang bansa.
Matatandaan rin na ang naturang app ay pagmamay-ari ni Durov na isa ring Russian, umalis siya sa Russia noong 2014 matapos niyang tanggihan na ibenta ang user data sa gobyerno ng Russia. Na-ban ang naturang messaging app sa Russia noong 2018 at na revised naman noong 2021.
Tinawag naman ni Russia’s representative to international organisations sa Vienna, na si Mikhail Ulyanov at iba pang mga kasamahan nito sa Russia ang pagkakahuli kay Durov bilang isang uri umano ng diktadurya sa kanyang karapatang pantao.
Bagamat wala pang pahayag ang France sa naturang isyu ay hinikayat naman ni Ulyanov ang mga kababayan nito na mag protesta sa French embassies sa buong mundo.