-- Advertisements --
DAVAO CITY – Nakakulong na ngayon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang founder ng Titan 29 marketing matapos itong mahuli sa isinagawang operasyon ng otoridad sa Barobo, Surigao del Sur.
Nahaharap sa kasong syndicated estafa at large scale estafa ang suspek na si Ryan Mauses matapos nitong itinakas ang P500 milyong na investment mula sa kanilang mga investors.
Kung maalala, nasa 200 na mga biktima ang humingi ng tulong sa Tagum PNP matapos na hindi na nila makita ang suspek dahil sa magkakasunod na operasyon na isinagawa ng otoridad sa mga investment schemes.
Karamihan umano sa mga investors ang hindi na pa nakatanggap ng kanilang payout.