-- Advertisements --

Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang suspek na namaril kay UnitedHealthcare CEO Brian Thompson.

Nangyari ang insidente habang naglalakad si Thompson sa Manhattan para dumalo sa sa investors conference ng ito ay barilin.

Hindi kalayuan sa New York Hilton Midtown Hotel nangyari ang insidente na siya sanang lugar ng kaniyang dadaluhan pagpupulong.

Dinala pa sa pagamutan ang biktima subalit hindi na umabot dahil sa pinsalang natamo.

Inaalam pa rin ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa nasabing pamamaril sa biktima.

Itinalaga si Thompson bilang chief executive officer ng UnitedHealthcare noong Abril 2021.

Ang UnitedHeallthcare ay bahagi ng United Health Group na pinakamalaking insurance company sa US.