-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Isinagawa ngayong araw ang unang Ceremonial Harvesting ng asin sa barangay Zaragoza, Bolinao dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Pinangunahan mismo ito ni Pangasinan Governor Ramon ‘Monmon’ Guico III kasama sina Vice Gov. Mark Ronald Lambino, 1st District Rep. Arthur Celeste, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Director Segundina Gaerlan, PENRO head Raymund Rivera, mga department heads at local elected officials ng Bolinao.
Ang Pangasinan Salt Center Project na may total area na 473.88 hectares ay pinapamahalaan ngayon ng Provincial Capitol.

Naglabas ang provincial Government ng P20 million funds para sa rehabilitasyon at development ng pasilidad.

Target ng Kapitolyo sa 1st production ng asin ay nasa 8,000 – 10,000 metric tons na may estimate sales value na P40 million – P50 million habang sa 2nd production cycle nito, tinatayang nasa 15,000 – 20,000 target salt production sa halagang P75 million – P100 million.

Kung matatandaan, isinara ang salt farm noong February 2021 na dating pinatatakbo ng Pacific Farm Inc. dahil nagpaso ang Foreshore Lease Agreement contract nito sa Department of Environment and Natural Resources o DENR.