DAVAO CITY – Pormal nang isinagawa ang Ceremonial Torch Relay sa 30th South East Asian (SEA) Games 2019 sa lungsod ng Davao na nagsimula nitong Miyerkules ng hapon.
Pinangunahan mismo ni Philippine Sports Commission Commissioner Charles Maxi at Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte, local government units at mga atleta na nanggaling sa lungsod para sa simula ng torch relay.
Lubos na ikinagalak ng lungsod na naging parte ito ng isang historical event kung saan first time pa itong ginanap sa syudad ng Davao.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Davao kay Judo Bronze Medalist World Junior Sambo Championship 2019, Sydney Sy Tancontian lubos ang kanyang kasiyahan na maging isa sa mga torch bearer sa torch relay.
Sinabi rin ni Tancontian na gagawin nila ang lahat upang itayo ang bandera ng Pilipinas sa nalalapit na 30th SEA Games 2019.
Maliban kay Tancontian, naging tampok din sa torch relay ang Aiba Women’s World Boxing Championships 2019 gold medalist Nesthy Petecio at ang 19 -nyos na naging wakeboard double bronze sa 2015 SEA Games medalist na si Mikee Selga.
Panauhin din sa nasabing ceremonial torch relay si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go at aktor na si Robin Padilla.
Kung maaalala, nanggaling sa last host country na Malaysia ang torch at inumpisahan sa lungsod ang torch relay bago ito idadaan sa iba’t ibang bahagi ng bansa gaya ng Cebu, Tagaytay, Manila, Malacañang, Kamara at sa Clark, Pampanga.