-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang pagkasunogng isang Ceres Bus na nakapark sa terminal ng Brgy. Centro Sur, Culasi, Antique.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay P/Lt. Ryan Valenzuela, hepe ng Culasi Municipal Police Station, sinabi nito na nagkaroon ng mechanical defects ang nasabing bus.

Ayon kay Valenzuela, inaayos ng mekaniko ang nasabing bus nang bigla na lamang itong umusok hanggang sa nagliyab na ang apoy.

Masuwerte namang walang mga nasugatan o natamaan ng anumang debris mula sa nagliliyab na unit ng Ceres Bus.

Samantala, patuloy pa na inaalam ng Bureau of Fire Protection ng Culasi Antique ang totoong pinagmulan ng apoy na siyang tumupok sa nasabing bus.