-- Advertisements --

May bago ng pangalan ang Ceres-Negros Football Club matapos na bilhin ito ng isang private investor.

United FC

Magiging United City FC na ito simula ng magbago ng management na pinamumunuan ng MMC Sportz Asia.

Sa inilabas ng MMC Sportz Asia CEO Eric Gottschalk, na itutuloy pa rin ng football club ang pagsali sa Philippine Football League at AFC Cup.

Mananatili pa rin sa koponan ang 16 na miyembro nila maging ang kanilang coach na si Risto Risto Vidakovic ganun din si General Manager Ace Bright at kaniyang staff.

Magugunitang nagdesisyon ang koponan na ibenta na lamang ang kanilang football club matapos na labis na naapektuhan ang kanilang negosyo bunsod ng coronavirus pandemic.