-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Nagtapos sa draw (1-1) ang paghaharap ng Ceres Negros FC at Hanoi FC sa first leg ng 2019 AFC Cup Zonal semifinals sa Panaad Park and Stadium sa lungsod ng Bacolod kagabi.

Matapos ang goaless sa first half, unang naka-score ang Negros-based team.

Ito ay kasunod ng goal ng striker na si Bienvenido Marañon sa 57th minute.

Ngunit 10-minutos lang ang nakalipas, naudlot ang pagsasaya ng Ceres nang gumanti ng goal si Omar Faye ng Hanoi.

Umaasa naman ang Bus men na manalo sa sunod nilang paghaharap sa second round sa Hang Day Stadium sa Hanoi, Vietnam sa Hunyo 25, 2019, alas-8:00 ng gabi.