-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Kasalukuyan pang pinaghahanap ng mga otoridad ang isang single engine Cessna 206 na nag-take off mula Cauayan Airport patungong Maconacon, Isabela.

Sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Constante Foronda Jr., Provincial Public Safety Officer ng Isabela na kaninang 2:15pm ay nag-take off ang single Engine Cessna 206 na may kulay pula sa ibabaw at sa ibaba ay kulay puti ngunit hindi nakapag-landing sa Maconacon, Isabela.

Ang single Engine Cessna 206 ay mayroong anim na sakay na kinabibilangan ng limang pasaherong at isang Piloto .

Sa ngayon ay umaasa ang mga otoridad na nag-landing sa isang ligtas na lugar ang Cessna 206 na may tail no. RP-C1174.

Sinabi ni Atty. Forronda na malakas ang turbulence ngayong araw kaya mayroong ilang eroplanong ang hindi bumiyahe

Nanawagan si Atty Forronda sa mga mamamayan ng apat na coastal town ng Isabela, maging sa mga daraanan ng nasabing eroplano sa mga bayan ng Naguillian, Lunsod ng Ilagan, Benito Soliven at San Mariano na kung may makitang eroplano ay ipagbigay alam sa mga otoridad.