-- Advertisements --

DAVAO CITY – Bumagsak ang isang Cessna Plane na pinag mamay-ari ng Mactan Aviation malapit sa National Highway, Prk Marba, Brgy Don Martin Marundan, Mati City Davao Oriental kaninang umaga.

Sa naturang pangyayari sugatan ang dalawang mga pasahero nito na kinabibilangan nila Manuel Rafis Meyra, II FI, Instructor Pilot, at Jeremiah Casamura Agonia, student Pilot, na pawang mga taga Davao city.

Inihayag ng Police regional office XI, alas 7:40 kaninang umaga nang bumagsak ang Mactan Cessna 150 two (2) seaters na may tail number RP-C9005 na nagmula sa Davao City habang pa-take off na sana sa Mati City Airport, matapus bumangga sa puno ng Mangga.

Sa ngayon patuloy pa rin ang imbestigasyon upang malaman ang dahilan ng naturang pangyayari.