-- Advertisements --

Patuloy na pinaghahanap ang isang Cessna trainer plane na naiulat na nawawala sa Aurora.

Mag-isa lamang ang student pilot ang nawawalang Omni Aviation Corporation.

Ayon sa San Luis Municipal Police Station sa Aurora, naiulat nila ang limang trainer planes ay umalis sa Dr. Juan C. Angara Airport sa San Luis na patungo sa Clark, Pampanga nitong Linggo ng hapon.

Subalit apat lamang na eroplano ang lumapag sa Clark.

Huling namataan ang nawawalang eroplano sa Barangay Dialatnan sa bayan ng Maria Aurora.