LEGAZPI CITY – Patok sa mga lokal na turista ang Cetacean cemetery o libingan ng mga namatay na balyena at dolphins sa Camarines Sur.
Na-establish ang naturang sementeryo noong 2013 na layuning makapagbigay ng kaalaman sa publiko kung paano mapapangalagaan ang mga hayop sa karagatan.
Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol spokesperson Nonie Enolva sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ikinalulungkot nito ang maraming naitatalang stranding incidents sa rehiyon na karaniwang nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga mahahalagang creature sa karagatan.
Nabatid na tuwing undas ay mayroong mga bumibisita sa Cetacean cemetery upang mag-alay ng bulaklak at magtirik ng kandila.
Ang naturang libingan ng mga sea creatures ay isa rin sa mga nagsisilbing trourist destinations ngayon sa rehiyon.
Hangad naman ni Enolva na sa pamamagitan nito ay mas maipapabatid pa sa publiko ang kahalagahan ng pangangalaga sa mga itinuturing na endagered species.
Ang naturang mammals ay hindi na ipinapasok sa mga kabaong kundi ibinabalot na lamang sa mga lumang fishing nets upang mas madaling ma-exhume para sa mga kinakailangang pag-aaral.