NAGA CITY – Binuksan ngayon sa publiko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol ang Cetacean Cemetery sa bayan ng Bula, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Nonie Evolva, tagapagsalita ng BFAR-Bicol sinabi nitong bilang bahagi ng Todos Los Santos, nais nilang alalahanin din ang mga namatay na sea creatures na nakalibing sa naturang sementeryo.
Aniya, gaya ng ginagawa sa puntod ng mga taong namayapa na, inalayan din nila ng mga kandila, bulaklak at panalangin ang bawat puntod ng naturang mga isda.
Samantala, plano rin ng BFAR gawing botanical graden ang naturang sementeryo habang umaasa naman ito na maging tourist destination ang naturang lugar sa mga susunod na taon.
Taong 2013 nang unang binuksan ang Cetecean Cemetery kung saan may 13 nang puntod ng mga namatay na balyena ang makikita rito.