Tinatayang abot sa mahigit P2.4-B ang inihatid na kita ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) sa apat na ahensya ng gobyerno.
Ang kitang ito ay mula ng magsimula ang operasyon ng CEZA sa Ecozone at Freeport.
Ayon kay CEZA Secretary Katrina Ponce Enrile, kabilang ang DOLE, Bureau of Immigration, Bureau of Customs at LTO sa mga nahatiran ng kita.
Sinabi rin Secretary Ponce-Enrile , umabot sa P972 milyon ang na-remit nilang dibidendo sa national government; P821 milyon naman ang income tax na ibinayad nito sa gobyerno. noong kasagsagan ng kanilang operasyon bago tumama ang covid 19 pandemic sa bansa.
Binigyan diin rin ng opisyal na wala pa silang nakukuha na share mula sa national government mula sa gross income na ni-remit ng lahat ng kanilang locator mula noong 2016.
Nangako naman ito na itutuloy ng CEZA ang pagganap nito sa kanilang mandate na isulong layunin na pagpapaunlad ng mga industriya sa hilagang Luzon.