Pinuri ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal Arroyo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa matagumpay na paglulungsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Tagum City, Davao del Norte, nitong Biyernes.
Isa si Arroyo sa 167 kongresista na dumalo sa paglulungsad ng BPSF sa Tagum City. Ito ang pinakamalaking bilang ng mga kongresista na dumalo sa BPSF mula ng simulan ang programa noong nakaraang taon.
Umabot sa 250,000 residente ang nahatiran ng P913 milyong halaga ng cash assistance at serbisyo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Nang matanong kung dadalo pa si Arroyo sa mga susunod na BPSF ay positibo ang naging tugon ni Arroyo.
Ang pagdating ni Arroyo sa event ay nagpapakita ng patuloy nitong pagnanawi na makapagbigay ng serbisyo publiko at suportahan ang mga programa na makatutulong sa mga Pilipino.
Pinangunahan ni Speaker Romualdez ang delegasyon ng mga kongresistang dumalo at nagpahayag ito ng pasasalamat sa dami ng mga pumunta.
Nagpasalamat din ni Speaker Romualdez kay Pangulong Marcos sa paglalapit ng serbisyo ng gobyerno sa publiko.
Nagpasalamat din ni Speaker Romualdez sa kanyang mga kapwa mambabatas na dumalo sa event.
Ang BPSF ang pinakalamalaking service caravan na naglalayong ilapit sa publiko ang ayuda na ibinigay ng gobyerno bukod pa sa mga serbisyo gaya ng Kadiwa ng Pangulo, Passport on Wheels, Driver’s License registration/assistance, at iba pa.
Ang Davao del Norte ang ika-19 na probinsya na dinalaw ng BPSF at ikawalo sa Mindanao.
Si Speaker Romualdez ang kumatawan kay Pangulong Marcos sa pagbubukas ng BPSF sa Davao Del Norte Sports and Tourism Center noong Biyernes.
Si Speaker Romualdez, na nakikilala na bilang Mr. Rice ay namigay din ng 300,000 kilo ng bigas sa libu-libong residente ng Davao del Norte.