-- Advertisements --

Nagpaabot din si Chinese leader Xi Jinping nang pakikiramay kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida matapos ang pagkamatay ng dating lider ng bansa na si Shinzo Abe.

Ayon sa mensahe ni Xi, sinabi nito na noong buhay pa si Abe ay pinilit nitong pagandahin pa ang relasyon ng China at Japan.

Kaya naman nagbibigay umano ng pugay si Xi dahil sa naging kontribusyon nito.

Inamin ni Xi na labis umano ang kanyang kalungkutan sa pagpanaw ni Abe kaya naman handa siya na makapagtulungan kay Kishida upang pag-ibayuhin pa ang ugnayan ng China at Japan.

Si Xi at kanyang misis na si Peng Liyuan, ay nagpaabot din ng message of condolences sa balo ni Abe na si Akie Abe.

Nagkita na rin ng personal sina Xi at Abe sa Beijing noong December 2019 at susundan sana ito ng state visit sa Japan taong 2020 pero hindi na natuloy dahil sa coronavirus outbreak.