Hindi itinuturing na urgent national concern ng karamihan sa mga Pilipino ang isinusulong na charter-change ayon sa isinagawang Tugon ng Masa survey noong Decemer 2023 ng OCTA Research na inilabas ngayong Lunes.
Tanging nasa 1 porsyento lamang ng adul Filipinos ang naniniwalang urgent issue ang pagbabago sa Saligang batas na kailangang tugunan ng pamahalaan.
Habang ang pagkontrol ng inflation ang ikinokonsidera bilang top urgent concern ng mayorya o 73% ng mga Pilipino.
Ito ay tumaas mula sa 52% na naitala sa survey na isinagawa noong July 2023.
Pangalawa naman sa most urgent national concern ang access para sa abot-kayang pagkain sa bansa gaya ng bigas, gulay at karne.
Ilan pa sa itinuturing na national concern ng mga Pilipino ay ang paglikha ng mga trabaho, pagpapataas ng sahod ng mga manggagawa, at pagpapababa ng kahirapan sa bansa.