-- Advertisements --
House of Representatives

Sa patuloy na pagsulong ng pondo sa proposed Constitutional Convention law, wala umanong pag galaw ang hiling na ayuda at umento sa sahod ng mga mamamayan ayon kay House Deputy Minority leader and ACT Teachers party-list Rep. France Castro.

“Habang palaging wala ang sagot o kaya ay kakarampot ang binibigay kapag humihingi ng ayuda at taas sahod ang mga mamamayan, todo ratsada naman ang adminkstrasyong Marcos sa pagtutulak ng Cha-cha sa pamamagitan ng Con-con. Sa Cha-cha ratsada, sa taas sahod nga-nga,” sabi pa ni Rep. Castro.

Nakakadismaya umano dahil bagamat nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi prioridad ng kanyang administrasyon ang charter change, nakatuon naman ang Department of Finance sa pagbibigay ng pondo sa implementasyon ng proposed constitutional convention kahit na ayon sa Commission on Elections kinakailangan ng karagdagang pondo na P3.827 billion sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan elections, dagdag pa ng Deputy Minoty leader.

Kung sakaling isusulong umano ang Constitutional Convention, aabot sa halos P28 billion ang gagastosin ayon sa National Economic and Development Authority.

Ayon pa kay Rep. Castro, sa halip raw na gamitin ang P28 billion sa con-con, bakit hindi nalang ito gawing ayuda sa P14 million na Pilipino lalo na’t tulong pinansyal ang kailangan ng taumbayan ay hindi ang Cha-cha.