-- Advertisements --

Patay ang pangulo ng Chad, Central Africa na si Idriss Deby matapos magtamo ng maraming sugat ng makasagupa ang mga rebelde.

Isinagawa ang anunsiyo ng kamatayan ni Deby matapos ang provisional election results kung saan inaasahan na ang panalo nito.

Dahil sa pangyayari ay nagpatupad na sila ng curfew at ipinasara na nila ang border.

Ang 68-anyos na si Deby ay tatlong dekada na nanungkulan na itinuturing na pinakamatagal na pangulo na nanungkulan sa Africa.

Bilang sundalo ay nagsimula itong manungkulan noong 1990 at matagal na kaalyado ng France at ibang mga Western countries na lumaban sa jihadist group sa Sahel region ng Africa.