Inanyayahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang isang beauty contestant na si Heart Aquino para mabigyan ng tour at gabay sa trabaho ng poll body.
Matatandaang naging sentro ng diskusyon ang pahayag ng dalaga na “wala siyang alam tiungkol sa Comelec.”
Bahagi kasi ng tanong kung anong panawagan nito sa komisyon ngayong election period.
Giit pa ng contestant, hindi niya batid ang mga ginagawa ng Comelec dahil hindi ito lumalabas sa “news feed” ng kaniyang social media account.
Para kay Comelec Chairman Garcia, nakahanda ang poll body na mabigyan ng tour ang dalaga mula sa trabaho ng poll body para sa mga botante, kandidato at pagtitiyak para sa maayos at makatotohanang halalan.
Tiniyak naman ng opisyal na isa itong challenge sa kanila para palawakin pa ang information campaign para sa lahat ng antas ng lipunanpara maging mulat sa mga nagaganap at magaganap pa lang na eleksyon sa Mayo 12, 2025.