-- Advertisements --

Nagkaroon ng pangamba ang chairman ng Philippine Red Cross na si Richard Gordon sa posibleng pagkalito ng mga deboto sa Traslacion na gaganapin bukas.

Ayon sa kanya, mayroon kasing bagong ipapatupad na patakaran sa ruta pagdating ng andas ng Poong Hesus Nazareno sa Ayala Bridge.

Ibinahagi din ng naturang chairman na duda siyang mapipigalan ang mga debotong maaring magpumilit na tumawid sa tulay.

Dahil dito, sinabi ni Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon na aantabay ang kanilang mga tauhan kung sakali mang magkaroon ng pagkalito sa mga tao.

Dagdag pa niya, ang kanilang mga i-dedeploy duon ay gagamit ng megaphone upang magabayan ang mga deboto na makaalis sa anumang posibleng mangyari.

Sinuguro naman ng Philippine Red Cross na mayroon din silang nakahandang mga rescue boats kasama ang dalawang scuba divers na tutulong kapag may mahulog man galing sa tulay.