-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umapela ang chairman ng Senate Committee on Health kay newly appointed Department of Health Secretary Teodoro Herbosa na unahin sa serbisyo ang mahihirap na mga Pilipino.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, sinabi nitong kritikal ang health sector kung kaya’t kailangan itong tutukan ng kalihim.

Ayon kay Senador Go, hindi kayang bayaran ng maraming Pinoy ang health services sa bansa at umaasa siyang isa ito sa magiging prayoridad ni Herbosa sa pamamagitan ng mga programa ng Department of Health.

Aniya, malaki ang tiwala nito kay Herbosa dahil naging kasapi rin ito ng inter-agency task force sa ilalim ng administrasyon ni former President Rodrigo Duterte noong kasagsagan ng pandemya.