-- Advertisements --

Nagbitiw na sa kanyang pwesto bilang Chairman at Administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority si Jonathan Tan.

Siya ay tumagal lamang ng halos walong buwan mula ng maupo ito sa pwesto.

Ang naturang pagbibitiw ay kinumpirma mismo ni Armina Llamas, Officer-in-Charge ng Subic Bay Metropolitan Authority Office of the Deputy Administrator for Corporate Communications.

Sa isang pahayag, ipinaabot ni Llamas ang taos-puso nilang pasasalamat sa pagsusumikap at dedikasyon ng ibinigay ni Tan sa kanilang tanggapan bilang tagapangulo at tagapangasiwa ng Subic Bay Metropolitan Authority.

Hiling rin nito na maging maayos ang bagong landas na kanyang tatahakin.

Kung maaalala, itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Tan sa naturang posisyon noong Mayo 2023..

Si Tan ay dating alkalde ng bayan ng Pandan sa Antique.

Pinalitan noon ni Tan ang nagbitiw na Subic Bay Metropolitan Authority chief na si Rolen Paulino.