Inanunsyo ng Chamber of Thrift Banks (CTB) ang kanilang plano na gumamit ng AI o artificial intelligence sa banking.
Sa kanilang pagdiriwang ng ika-50 taong anibersaryo kahapon, sinabi ni Chamber of Thrift Banks (CTB) President Cecilio Paul San Pedro na nakikita nilang magpapabuti ito sa kanilang serbisyo.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng kanilang patuloy na inisyatibo para makasabay sa mabilis na pagbabago sa teknolohiya at upang mas mapaglingkuran pa ang kanilang mga kliyente.
Dagdag pa ni San Pedro, ang paggamit ng AI ay magbibigay daan para mas mapabilis pa ang proseso ng kanilang serbisyo, gaya nalamang ng pag a-apply sa loans, o iba pang financial services. Maliban pa rito, ayon sa Chamber of Thrift Banks (CTB), maaari ring makatulong ang AI sa mga banko na mas pasimplehin pa nito ang mga datos na nakukuha sa mga customers.
Ang Chamber of Thrift Banks (CTB) ay isang organisasyon na naglalayong maitaguyod at protektahan ang mga interes ng mga thrift banks sa bansa.
Kabilang nga sa mga kasapi ng CTB ang Queen City development bank, na pinamamahalaanan ni Chairperson and Chief Executive Officer Margaret Ruth C. Florete.
Kilala ang Queenbank sa kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng financial services na nagpapadali sa buhay ng kanilang mga kliyente.
Sa tulong ng CTB, patuloy na nagiging mas mabisang katuwang ang Queenbank sa pag-unlad at modernisasyon ng sektor ng thrift banking.
Sa ginanap na event, natalakay din sa isang panel discussion nina Queenbank CEO Margaret Florete, Ma. Mary Jane Perreras, Auditor ng CTB, at Mr. Emilio Neri Jr., Senior Vice-President ng Bank of the Philippine Island ang Post Covid Economic Trends.
Ayon kay Neri, kinakailangan lang na tulongan ang mga kliyente nila sa technical matters kahit pa sa agriculture o food manufacturing na siya rin umanong nag aambag sa mga dahilan kaya mataas ang inflation.
Maliban pa rito, malaking tulong din ang pagbibigay umano ng floating interest, kung saan mas makikinabang ang mga kliyente sa mabababang interes rates.
At sa kabuuan ay hindi lang magbe-benepisyo rito ang publiko kundi pati na rin ang bansa.