-- Advertisements --

Nakabalik na sa mundo ang Chang’e-5 space capsule ng China.

Ito ay matapos na makakuha ng mga samples mula sa buwan.

Matagumpay na lumapag ang nasabing capsule sa Siziwang sa Inner Mongolia.

Magugunitang noong Nobyembre 24 ng ilunsad ng China ang nasabing space vehicle at nagsimula ng umikot sa buwan noong Disyembre.

Sa orihinal na plano ay makakuha ng dalawang kilo ng samples sa buwan.

Dahil dito ay naging pangatlong bansa na ang China na matagumpay na nakabalik mundo ang spacecraft matapos ang pag-iikot sa buwan.

Pinangunahan kasi ng US at Soviet Union ang unang nakapagpadala ng space craft sa buwan 44 taon na ang nakakalipas.