-- Advertisements --

Dismayado ang ilang foreign media sa kanilang sinapit sa pagko-cover ng men’s football event ng ika-30 edisyon ng Southeast Asian (SEA) Games sa Rizal Memorial Sports Complex.

Hindi kasi natapos ang pagtatayo ng media center, kung saan dapat isasagawa ang mga post-game press conference.

Sa paglilibot ng Bombo Radyo, nakita na wala pang finishing ang mga haligi ng media center bukod pa sa wala rin itong aircon dahilan kung bakit mainit sa loob.

Dahil dito, pinayuhan ang mga media na lumipat sa kabilang bahagi ng RSMC kung saan pumapasok at lumalabas ang mga atleta.

Ipinuwesto ang mga nagko-cover na media sa ilalim ng mga puno at kinordon pa ng mga pulis habang nagsasagawa ng interview.

SEAG RMMS 1

Kaya umaapela ngayon si Adam Zamri ng Astro Arena Son BHD sa organizing committee na Phisgoc na kaagad solusyunan ang problemang ito.

Ayaw man daw nila sana sabihin, pero nakakahiya aniya para sa Pilipinas ang mga ganitong sitwasyon.