Nakuha ng Changi Airport sa Singapore ang world’s best airport.
Base sa isinagawang pagsusuri ng United Kingdom-based consultancy na Skytrax nanguna ang nasabing paliparan sa buong Asya at Europa.
Ito na rin ang pang-walong sunod na nangibabaw ang nasabing paliparan.
Dahil sa coronavirus pandemic ay ipinagpaliban ang awarding ceremony noong Abril 1.
Ilan sa mga katangian ng nasabing paliparan ay ang pagkakaroon ng living rainforest, indoor walking trails at world’s tallest indoor waterfalls na may taas na 40 meters.
Pumangalawa naman sa listahan ang Tokyo Haneda Airport na sinundan ng Hamad International Airport Doha, Incheon International Airport, Munich Airport, Hong Kong International Airport, Narita International Airport, Central Japan International Airport, Amsterdam Schiphol Airport at Kansai International Airport.